Sunday, September 21, 2008

"Para sa mahal ko"

-Ewan ko! Mula nang makilala nagkaroon ng saya ang aking puso na puno ng pighati at pagdurusa. Ano nga bang meron ka, pag nakakusap ka o makita man lang ang mga ngiti sa'yong maamong mukha, mga problema ay nawawala, napapalitan ng walang pagsidlang kaligayahan. Di ko malaman ang gagawin pag di ka nakikita o nakakausap man lang, para bang may kulang, para bang tumigil ang mundo ko, para akong buhay pero di na tumitibok ang aking pusong nalilito. Di malaman ang gagawin na para bang hinihila ang bawat oras, minuto, segundo, makasama ka lang, makita ang mga matang nalilito at gustong mangusap sa tunay na nararamdaman. Gustong malaman ang nilalaman ng pusong aba.
Sa mga minutong lumilipas na kasama ka, hinihiling na sana'y mapigilan tumatakbong oras ng paghihiwalay ng ating landas. Kahit sa konting oras na tayo'y magkasama hatid nito ang kaligayahan na kailanmay di nakamit. Kaligayahan na sana'y wag mawala.
Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Oras na hinihiling bakit kay bilis maubos. Para bang saglit na kaligayahan, sandamakmak na kalungkutan. Kalungkutan na nakakamit sa bawat oras na hindi ka ksama. Unti unting pinapatay ng pagsasamo na sanay wag makalimutan mukhang kailanmay mababanaag ang kalungkutan na pinaranas ng sakit ng kahapon.
Ikaw totoo bang nagmamalasakit ka. Totoo bang minamahal mo ako. Damdaming ipinagkait ng kahapon. Kahapong pilit kinakalimutan upang maharap ang bagong umaga. Bagong umaga na sana'y kapiling ka. Ikaw na ang nais lang ay ako'y pangitiin upang makalimutan pait ng kahapon. Ipakita na may liwanag sa likod ng maiitim na ulap. Pag asa na pilit mong pinapakita at tiwalang unti- unting binabalik.
Sa bawat kataga mong binibitawan, sinseridad ang nararamdaman, pinupukaw ang pusong pinatigas ng bawat pagsubok at pang aapi mula sa taong mapanghusga at di kilala ang totoong ako. Sino nga ba ang taong pinagkatiwalaan mo. Ako nga ba'y karapatdapat sa tiwalang ibinigay. Ang alam ko lang sa sarili, madama ang totoong pagmamahal, ang pagtitiwala, pagmamalasakit, pang unwa, pag aaruga na bakit pinadama mo saken. Ano ba ang intensyon mo?
Puso't isip kong ito ay nalilito at di mapakali sa tunay na nararamdaman. Tama bang sabihin na napakalaki na ng parte mo sa puso ko, maging sa buhay ko ikaw nag bumuo. Tama bang sabihin na sana ako na lang ang mahalin mo, at hinid sya, kahit mali.

5 comments:

pidoh777 said...

hipag? eikw b yan??? heheheheheheh,.,.,.,.
umiyak ka b ng gnawa mu yan??

angel said...

kapatid pag pgod ka ng magtype.. you can my borrow my hands..

"dEe_eM" said...

Gaano kalupit ang iyong tadhana!!!
hayaan mo!! kaya mo yan!! hahahaha!!!

iyaH_Ken said...

huhuhu..kadrama naman

vilma28 said...

.,avAh!!.,akalain muh nga nmn!!!.,
hehehe,., npakataLented nitong c mAbeL!!!.,kip it up!!!