Friday, September 19, 2008

"NANG MINSANG MAGKAKILALA"

Di pa man kita nakikita, di mo pa rin nasisilayan.
Ibinigay mo, pagtitwala sa'yong nakaraan.
Na pedeng magpabago sa'ting pagkakaibigan.
Inilahad mo, bawat detalye ng yong pagkatao.
Ipinakilala mo saken kung sino ka talaga.
Ipinakita mo ang halaga ng pagkakaibigan.
Itinuro ang paglimot sa kabiguang natamo.
Ipinaramdam ang wagas na pag-ibig.
Yan ang pinakamagandang mundong kasama,
nang minsang magkakilala.
Tinanggap ka ng buong buo.
Kasama na pati puso't kaluluwa.
Kahit ano mang iyong kahinaan.
Tutulangan kang labanan ito.
Itutuwid, landas na naliligaw.
Kung sakali mang magkalayo ng landas na tatahakin.
At ik'y nalulumbay, kelangan ng kausap.
Andito langsako handang makinig.
Pasayahin pusong nalulumbay.

"TIWALA"

Tiwala! Madaling makuha, mahirap maibalik.
Lalo na pagsinira mo ito.
Bakit nga ba tao'y madaling magtiwala?
Lalo na sa may malaanghel na mukha.
Maamo na animoy tupa.
Yun pala tinatago, bunto't sungay na
susuwag sayo pag ika'y nakatalikod.

"ALAK"

Sabi nila daanin sa maboteng usapan,
lahat ng problemang ating nakakasalubong.
Alak na nagpapamanhid,
sa katawang pagod na sapagsubok ng buhay.
Sa bawat simsim, sa bawat lagok.
Pwede tayong baguhin ng espiritu ng alak.
Pagbabagong magaganap sa buhay natin
Dulot ng minsang pagkakakilala ng alak.
Sabi nila, bibigyan tayo ng kakaibang lakas ng loob.
Lakas ng loob, upang masabi tinatagong pagtangi.
Mga tinatagong galit, inis at kahit ano pa yan.
Kadaldalan na maglalabas ng katotahanan sa iyong pagkatao
Minsan naman kakaibang init ang nararamdaman.
Mga mapupusok na damdamin.
Mga hindi handa sa responsibilidad.
Kaawa awang bata, nabuo ng dahil sa kalasingan.
Alak na karamay natin salahat ng problema.
Sa tiyan ilagay at hindi sa ulo,
upang maiwasan, rambulan ng barkada.
Kalasingang makagagawa ng mga bagay na di inaasahan.
Pero ating tatandaan, minsan lang tayong makakalimot
sa sakit, saproblema, sakabiguan.
Pag tayo'y nawalan ng tama,
ang minsang kaligayahan, sakit ng ulo ang kapalit.

"celfone"

Sa isang txt, nagbabago ang lahat.
Minsan naprapraning, minsan nababaliw.
Lalo na pag ngtxt sya, ala ka naman load.
Gagawin ang lahat mareplyan ka lang.
-azan ka nah!?,, d2 na me!?,,hu u bah!?,,mwaah!?,TC!?,
Mga txt na madalas mabasa, katagang di mawawala.
Mga heheh, mga huhuh.
Text ng mga barkada na kelangan ng kausap.
San ka man naroroon.
Abot mo ang mundo.
Pinaglalapit mga pusong magkalayo.
Ganyan tayo, simply amazing.
Ingat lang sa pakikipag eb!
Baka ito napala ang katapusan mo.
Mga taong ala lang, sisirain buhay ng may buhay!
Celfone dapat bang kahiligan o iwasan!

"Nang Minsang Maligaw"

May mga taong darating sa buhay natin.
Di natin alam kung bakit.
Bakit sila nadating sa buhay nating kay lungkot.
Buhay na walang kulay.
Bawat taong nadating, lahat sila may rason.
May mga taong bubuuin, nawawalang piraso ng yung pagkatao.
Meron namang ala lng, gusto lang ng kausap.
Iba naman, nahingi ng payo tungkol sa
problema sa pamilya, lalo na sa pag-ibig.
At ang pinaka astig, nadating sila para
guluhin, magulo nang mundo!
Pero kahit sino mang dumating.
Lahat sila may iniiwang tatak sa puso natin,
maging sa'ting buhay.
Magkakaroon ng kakaibang samahan.
Pinaglalapit ng mga pagsubok.
Pinagtitibay ng panahon.
At ang pinaka astig nabubuo,
isang pag-iibigan nang minsang naligaw!!!

Sunday, September 14, 2008

"TAMANG PAG IBIG SA MALING SITWASYON"

Di na alam gagawin, nitong pusong lito.
Ano ba talaga, dapat maramdaman.
Wari bang pagkataong nalliligaw ng landas.
Tama pa bang malaman, kasagutang hinahanap.
Pagtitiwalang ibinigay, pinagyaman ng panahon.
Pagmamalasakit na inabangan, pagdating moy kasama.
Pag ibig na wagas iyong pinadama.
Paraisong matatawag, pagdating mo sa buhay ko.
Naiisip ka minu-minuto.
Gusto laging masilayan malaanghel mong mukha.
Mga ngiti sa labi, dulot ay kaligayahan sa pusong aba.
Kelan ba matatapos kahibangan kong ito?
Pagdating mo sa buhay ko, kakaibang ligaya ang nadama.
Binuksang muli, nakasaradong pagkatao.
Ginising ang natututlog na damdamin.
Ibinalik ang tiwalang nawala.
Ngunit sa bawat ngiti laging may lungkot.
Sa bawat liwanag may kakambal na kadiliman
Tama pa bang ipagpatuloy,
tamang pagibig sa maling sitwasyon.......