Sabi nila daanin sa maboteng usapan,
lahat ng problemang ating nakakasalubong.
Alak na nagpapamanhid,
sa katawang pagod na sapagsubok ng buhay.
Sa bawat simsim, sa bawat lagok.
Pwede tayong baguhin ng espiritu ng alak.
Pagbabagong magaganap sa buhay natin
Dulot ng minsang pagkakakilala ng alak.
Sabi nila, bibigyan tayo ng kakaibang lakas ng loob.
Lakas ng loob, upang masabi tinatagong pagtangi.
Mga tinatagong galit, inis at kahit ano pa yan.
Kadaldalan na maglalabas ng katotahanan sa iyong pagkatao
Minsan naman kakaibang init ang nararamdaman.
Mga mapupusok na damdamin.
Mga hindi handa sa responsibilidad.
Kaawa awang bata, nabuo ng dahil sa kalasingan.
Alak na karamay natin salahat ng problema.
Sa tiyan ilagay at hindi sa ulo,
upang maiwasan, rambulan ng barkada.
Kalasingang makagagawa ng mga bagay na di inaasahan.
Pero ating tatandaan, minsan lang tayong makakalimot
sa sakit, saproblema, sakabiguan.
Pag tayo'y nawalan ng tama,
ang minsang kaligayahan, sakit ng ulo ang kapalit.
2 comments:
wla namang masama sa sinabi moh! kung ako ung tinutukoy taz nbsa ko ung comment mo hnd naman ako mgagalit kasi wala k namang cnbing masama,,,, SWEAR!!
alak..kuh!!sanay!!!hehehe.joke..
hey, wazzup!!!
Post a Comment