Sunday, September 28, 2008

Teardrops on my guitar by taylor swift

Drew looks at me.I fake a smile so he won't seeWhat I want and I needAnd everything that we should be.
I'll bet she's beautiful,That girl he talks about.And she's got everythingThat I have to live without.
Drew talks to me.I laugh, cause it's so damn funnyThat I can't even seeAnyone, when he's with me.
He says he's so in love.He's finally got it right.I wonder if he knowsHe's all I think about at night!
He's the reason for the teardrops on my guitar,The only thing that keeps me wishing on a wishing star.He's the song in the car I keep singing,Don't know why I do.
Drew walks by me.Can he tell that I cant breathe?And there he goes, so perfectly.
The kind of flawless I wish I could be.
She better hold him tight,Give him all her love,Look in those beautiful eyes,And know she's lucky, cause
He's the reason for the teardrops on my guitar,The only thing that keeps me wishing on a wishing star,He's the song in the car I keep singing,Don't know why I do.
So I drive home alone.As I turn out the light,I'll put his picture down,And maybe get some sleep tonight.
Cause he's the reason for the teardrops on my guitar,The only one who's got enough of me to break my heart,He's the song in the car I keep singing,Don't know why I do.
He's the time taken up,But there's never enough.And he's all that I need to fall into.
Drew looks at me.I fake a smile so he won't see.

Sunday, September 21, 2008

"Para sa mahal ko"

-Ewan ko! Mula nang makilala nagkaroon ng saya ang aking puso na puno ng pighati at pagdurusa. Ano nga bang meron ka, pag nakakusap ka o makita man lang ang mga ngiti sa'yong maamong mukha, mga problema ay nawawala, napapalitan ng walang pagsidlang kaligayahan. Di ko malaman ang gagawin pag di ka nakikita o nakakausap man lang, para bang may kulang, para bang tumigil ang mundo ko, para akong buhay pero di na tumitibok ang aking pusong nalilito. Di malaman ang gagawin na para bang hinihila ang bawat oras, minuto, segundo, makasama ka lang, makita ang mga matang nalilito at gustong mangusap sa tunay na nararamdaman. Gustong malaman ang nilalaman ng pusong aba.
Sa mga minutong lumilipas na kasama ka, hinihiling na sana'y mapigilan tumatakbong oras ng paghihiwalay ng ating landas. Kahit sa konting oras na tayo'y magkasama hatid nito ang kaligayahan na kailanmay di nakamit. Kaligayahan na sana'y wag mawala.
Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Oras na hinihiling bakit kay bilis maubos. Para bang saglit na kaligayahan, sandamakmak na kalungkutan. Kalungkutan na nakakamit sa bawat oras na hindi ka ksama. Unti unting pinapatay ng pagsasamo na sanay wag makalimutan mukhang kailanmay mababanaag ang kalungkutan na pinaranas ng sakit ng kahapon.
Ikaw totoo bang nagmamalasakit ka. Totoo bang minamahal mo ako. Damdaming ipinagkait ng kahapon. Kahapong pilit kinakalimutan upang maharap ang bagong umaga. Bagong umaga na sana'y kapiling ka. Ikaw na ang nais lang ay ako'y pangitiin upang makalimutan pait ng kahapon. Ipakita na may liwanag sa likod ng maiitim na ulap. Pag asa na pilit mong pinapakita at tiwalang unti- unting binabalik.
Sa bawat kataga mong binibitawan, sinseridad ang nararamdaman, pinupukaw ang pusong pinatigas ng bawat pagsubok at pang aapi mula sa taong mapanghusga at di kilala ang totoong ako. Sino nga ba ang taong pinagkatiwalaan mo. Ako nga ba'y karapatdapat sa tiwalang ibinigay. Ang alam ko lang sa sarili, madama ang totoong pagmamahal, ang pagtitiwala, pagmamalasakit, pang unwa, pag aaruga na bakit pinadama mo saken. Ano ba ang intensyon mo?
Puso't isip kong ito ay nalilito at di mapakali sa tunay na nararamdaman. Tama bang sabihin na napakalaki na ng parte mo sa puso ko, maging sa buhay ko ikaw nag bumuo. Tama bang sabihin na sana ako na lang ang mahalin mo, at hinid sya, kahit mali.

Friday, September 19, 2008

"sana"

sana nga may mahal na lang akong iba.
sana nga di mo na lang pinawi dati kong mahal.
sana nga di mo ako iiwan.
sana nga sasamahan mo ako sa lungkot at ligaya.
sana nga wag mo akong iwanan,
na may lungkot sa'king mga mata,
dahil sa puwang na iiwan mo dito sa puso ko.
sana wag na lang mabuhay.
puso ko ikaw ang laman.
pangalan mo ang s'yang isinisigaw.
sana lang mabago ang isip sa pag-alis.
upang ang buhay ko magkaroon ulit ng halaga.

"PAGLISAN"

Di ko pala kaya na ika'y kalimutan.
Sa bawat pagmulat nitong aking mata.
Maamo mong mukha ang nakikita.
Sa bawat pagpikit ng aking mga talukap.
Ikaw pa rin ang natatanaw.
Pilit mang iwaksi, pawiin iyong mukha.
Bakit ganito lalo pang lumilinaw.
Paglinaw na sadyang di maintindihan.
Bakit nga ba ang isang tulad mo.
Nagpapagulo sa magulo ko nang mundo.
Kalimutan ka'y sadyang napakahirap.
Paglisan na isang bangungot,
sa maganda kong panaginip.
Ganito ba ang magmahal,
ayaw ko nang maramdaman
kung dulot nito'y sobrang kalungkutan,
sakit, hapdi kapalit ng kaligayahan.
Kaligayahan na kailanmay di natamo.
Pagmamahal na kailanmay di nakamit.
Pero nag iba yun mula nang makilala ka.
Ngunit katulad ka rin nila .
Sasamahan ako sa lungkot at ligaya.
Papatawanin pag may pasang problema
Papagaanin ang loob na kay bigat.
Sasamahan hanggang huli, walang iwanan.
Yan ang laging sinasambit.
Ngunit totoo ba ito o isang imahinasyon.
Ilusyon na nabuo dahil sa atensyong ibinigay.
Ngunit darating ang araw na aking kinatatakutan.
Ang mabuhay na parang patay dahil sa
kalungkutan at pag-iisa dahil sa paglisan mo!!!

para sayo

ang isang tulad mo,
mahirap kalimutan, mahirap iwanan.
madaling makasundo, madaling mahalin.
kung may pag-aalinlangan sa pagtitiwala.
masasabi ko, tapat sayo ang hangarin.
magkalayo man ng landas.
tandaan mo may "mAe",
ka pa ring babalikan, handang dumamay,
sa lahat ng kalungukutan.

"NANG MINSANG MAGKAKILALA"

Di pa man kita nakikita, di mo pa rin nasisilayan.
Ibinigay mo, pagtitwala sa'yong nakaraan.
Na pedeng magpabago sa'ting pagkakaibigan.
Inilahad mo, bawat detalye ng yong pagkatao.
Ipinakilala mo saken kung sino ka talaga.
Ipinakita mo ang halaga ng pagkakaibigan.
Itinuro ang paglimot sa kabiguang natamo.
Ipinaramdam ang wagas na pag-ibig.
Yan ang pinakamagandang mundong kasama,
nang minsang magkakilala.
Tinanggap ka ng buong buo.
Kasama na pati puso't kaluluwa.
Kahit ano mang iyong kahinaan.
Tutulangan kang labanan ito.
Itutuwid, landas na naliligaw.
Kung sakali mang magkalayo ng landas na tatahakin.
At ik'y nalulumbay, kelangan ng kausap.
Andito langsako handang makinig.
Pasayahin pusong nalulumbay.

"TIWALA"

Tiwala! Madaling makuha, mahirap maibalik.
Lalo na pagsinira mo ito.
Bakit nga ba tao'y madaling magtiwala?
Lalo na sa may malaanghel na mukha.
Maamo na animoy tupa.
Yun pala tinatago, bunto't sungay na
susuwag sayo pag ika'y nakatalikod.

"ALAK"

Sabi nila daanin sa maboteng usapan,
lahat ng problemang ating nakakasalubong.
Alak na nagpapamanhid,
sa katawang pagod na sapagsubok ng buhay.
Sa bawat simsim, sa bawat lagok.
Pwede tayong baguhin ng espiritu ng alak.
Pagbabagong magaganap sa buhay natin
Dulot ng minsang pagkakakilala ng alak.
Sabi nila, bibigyan tayo ng kakaibang lakas ng loob.
Lakas ng loob, upang masabi tinatagong pagtangi.
Mga tinatagong galit, inis at kahit ano pa yan.
Kadaldalan na maglalabas ng katotahanan sa iyong pagkatao
Minsan naman kakaibang init ang nararamdaman.
Mga mapupusok na damdamin.
Mga hindi handa sa responsibilidad.
Kaawa awang bata, nabuo ng dahil sa kalasingan.
Alak na karamay natin salahat ng problema.
Sa tiyan ilagay at hindi sa ulo,
upang maiwasan, rambulan ng barkada.
Kalasingang makagagawa ng mga bagay na di inaasahan.
Pero ating tatandaan, minsan lang tayong makakalimot
sa sakit, saproblema, sakabiguan.
Pag tayo'y nawalan ng tama,
ang minsang kaligayahan, sakit ng ulo ang kapalit.

"celfone"

Sa isang txt, nagbabago ang lahat.
Minsan naprapraning, minsan nababaliw.
Lalo na pag ngtxt sya, ala ka naman load.
Gagawin ang lahat mareplyan ka lang.
-azan ka nah!?,, d2 na me!?,,hu u bah!?,,mwaah!?,TC!?,
Mga txt na madalas mabasa, katagang di mawawala.
Mga heheh, mga huhuh.
Text ng mga barkada na kelangan ng kausap.
San ka man naroroon.
Abot mo ang mundo.
Pinaglalapit mga pusong magkalayo.
Ganyan tayo, simply amazing.
Ingat lang sa pakikipag eb!
Baka ito napala ang katapusan mo.
Mga taong ala lang, sisirain buhay ng may buhay!
Celfone dapat bang kahiligan o iwasan!

"Nang Minsang Maligaw"

May mga taong darating sa buhay natin.
Di natin alam kung bakit.
Bakit sila nadating sa buhay nating kay lungkot.
Buhay na walang kulay.
Bawat taong nadating, lahat sila may rason.
May mga taong bubuuin, nawawalang piraso ng yung pagkatao.
Meron namang ala lng, gusto lang ng kausap.
Iba naman, nahingi ng payo tungkol sa
problema sa pamilya, lalo na sa pag-ibig.
At ang pinaka astig, nadating sila para
guluhin, magulo nang mundo!
Pero kahit sino mang dumating.
Lahat sila may iniiwang tatak sa puso natin,
maging sa'ting buhay.
Magkakaroon ng kakaibang samahan.
Pinaglalapit ng mga pagsubok.
Pinagtitibay ng panahon.
At ang pinaka astig nabubuo,
isang pag-iibigan nang minsang naligaw!!!

Sunday, September 14, 2008

"TAMANG PAG IBIG SA MALING SITWASYON"

Di na alam gagawin, nitong pusong lito.
Ano ba talaga, dapat maramdaman.
Wari bang pagkataong nalliligaw ng landas.
Tama pa bang malaman, kasagutang hinahanap.
Pagtitiwalang ibinigay, pinagyaman ng panahon.
Pagmamalasakit na inabangan, pagdating moy kasama.
Pag ibig na wagas iyong pinadama.
Paraisong matatawag, pagdating mo sa buhay ko.
Naiisip ka minu-minuto.
Gusto laging masilayan malaanghel mong mukha.
Mga ngiti sa labi, dulot ay kaligayahan sa pusong aba.
Kelan ba matatapos kahibangan kong ito?
Pagdating mo sa buhay ko, kakaibang ligaya ang nadama.
Binuksang muli, nakasaradong pagkatao.
Ginising ang natututlog na damdamin.
Ibinalik ang tiwalang nawala.
Ngunit sa bawat ngiti laging may lungkot.
Sa bawat liwanag may kakambal na kadiliman
Tama pa bang ipagpatuloy,
tamang pagibig sa maling sitwasyon.......